As I promised to myself, namili na ako ng decor para sa lumang Christmas tree. Pag dating ko sa bahay, nakakabit na yung lumang decor. Tsk tsk tsk. Si Nanay talaga, atat. Pero maganda na yung inunahan nya ako para ma-sorpresa sya bukas pag gising nya. Kaya eto, matapos kong tanggalin yung mga lumang decor na nilagay ni Nanay, kinarir ko ang pagde-decorate at inabot ako ng 12MN (kasi 10:30pm na ko nakauwi. Kumain pa ko ng pancit canton). Ang theme ko this year is “Home for Christmas”, dedicated sa mga kapatid ko na nasa abroad. Kaya puro native materials ang nasa tree. Home-made kumbaga. So, eto na sya…