Lumang Christmas tree

Sa wakas, nalagyan ko na rin ng ilaw ang luma kong Christmas tree. Unang linggo pa lang ng November, itinayo na sya ni Nanay. Pahiwatig sa akin na dapat bihis na ang lumang Christmas tree by that time. Dati kasi, nakabihis na sya agad pagkatapos agad ng undas. Ngayon, kailangan pa akong magkasakit at umabsent sa trabaho para lang kumilos.

Ako ang designated na taga-decorate ng luma kong Christmas tree. Unang-una, akin kasi yon. Galing pa sa apartment namin noon ni Greis sa Makati. Pangalawa, ako lang talaga ang matiyagang nagde-decorate (bukod sa ako kasi ang pinakama-“arte” sa amin). Pangatlo, excited lahat ng tao sa family na makita kung anong theme ang gagawin ko everytime.

Ngayong taon na to, natagalan ako mag-decorate kasi parang wala akong gana. Ewan ko, basta itong taon na to, nawalan ako ng gana sa buhay in general. Dami kasing hinanakit, misunderstandings, at nakatago’ng sama ng loob  na nangyayari sa paligid ko. Nakakaubos din pala ng positive energy kapag ganun. Siguro kelangan ko mag-recharge. Di talaga kinaya ng powers ko.

Buti na lang di ako basta-basta nagpapatalo. Bago matapos ang November, pramis, todo bihis na ang luma kong Christmas tree…ang lumang Christmas tree na gustong palitan ni Nanay ng maliit (ano, bale? Ayoko nga!)…ang lumang Christmas tree na di ko pinagsasawaang titigan mula noong bago pa sya hanggang ngayon…ang lumang Christmas tree na pinupuno ko ng puting ilaw na ni minsan ay di kumukurap. Ito siguro ang magsisimulang magpasaya sa akin ulit…magbibigay ng panibagong sigla…magpapaalala sa akin ng mga dating masasayang araw na kung pwede lang ay ibabalik ko at di na paaalisin pa.

Kung pwede lang sana.

Advanced Merry Christmas sa mga kaibigan at kamag-anak kong sing-kulit ng pusang duling!

2 thoughts on “Lumang Christmas tree

  1. Hello Carmie!
    Bakit parang senti ngaun ang blog mo. Lam mo dami talagang disappointments sa buhay pero tama ka dapat hindi tayo papatalo sa mga un. And Christmas, brings hope to us all. Hay, first time kong di maeexperience ang Pasko. Dito ngaun pa lang sila nagpapatugtog ng mga Christmas songs sa mall at may mga Christmas tree na din. Pero iba talaga ang Pasko sa atin kahit maraming problema at mahirap ang buhay.
    Wish you happiness always, Carmie. Sasaya din tayo, kasi God meant us to be happy and have a fullness in life, we just need to keep on believing that the best is yet to come!
    God bless! Mwah!

    Like

  2. Tere!!!

    O sige, dedicated na sa lahat ng mga Noypi na nasa ibang bansa ang theme ng Christmas tree ko this year (pero ang original dedication talaga nito ay para sa dalawa kong kapatid na nasa abroad din, hehehe).

    I was just telling another friend that Christmas won’t be as merry for me, but I’m trying to make it a joyful one for my loved ones. At least kung masaya sila, makakaramdam na rin ako ng saya kahit papano.

    Bakit kamo senti? Kasi tumatanda na ko, wala pa rin akong sinta! Hahahaha…wala lang….

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s