Wala akong suot na relo, pero parang dinig ko ang pitik ng kamay ng oras sa buong panahon na dinalaw ko ang Bali sa Indonesia.
Ang daming turista. Ang gulo, ang ingay. Lahat gustong kunan ang iba’t-ibang sunset, templo, beach, at kung ano-anong pasyalan. Ang hirap sa pwestuhan. Kinailangan kong maghanap ng sulok na malayo sa kanilang lahat para makasilip ng magandang anggulo.
Sumabay ako sa agos ng milenyo. Nakigulo, naki-ingay, naki-selfie, nakikain, nakipag-habulan sa oras na hindi ko hawak. Bitin. Sobrang bitin.
Isang taon na ang nakakalipas. Pero parang nandun pa din ako, lalo na nang tingnan ko isa-isa yung mga nakuha kong litrato. Ito na lang yun e. Digital memories.
Makakabalik pa kaya ako dun? Hindi na Bali. Nandito pa naman yung kabog sa dibdib na dala ng pakikipaghabulan ko sa oras — palatandaan na nadagdagan ng pintig ang puso ko para kayanin ko pa ang mga susunod na gala.




















Aylabit!
LikeLiked by 1 person