Ngalay-lakad sa Singapore, day 2

“Singapore can do that to you!” sabi ni Sam. Kasi nga di ba, sabi mo “I travel not to shop, but to see the sights and experience other cultures.” O, e di kinakain ngayon ng masakit mong mga paa at leg muscles ang sinabi mo. Ano’ng ginawa mo ngayong araw na to? Naglakad nang naglakad at nag-shopping! Tsk tsk.

Una’ng-una, tanghali ka na lumabas ng bahay. Pagdating sa Orchard road, maalinsangan na. Shet, mukhang uulan pa yata. Pero sige. Lakarin mo ang kahabaan ng Orchard from dulo to dulo. Akala mo ganon lang kaiksi? Pero in fairness to you, nalakad mo mula Ion Orchard hanggang Plaza Singapura and back! Slow clap to you, teh. That’s a good 4.4-km walk. Parang fun run lang.

Hindi lahat ng buildings sa Orchard Road ay gawk sa salamin. Meron ding ganito, ang Peranakan Place.
Hindi lahat ng buildings sa Orchard Road ay gawa sa salamin. Meron ding ganito, ang Peranakan Place.

Eto naman ang maganda pag nag-iisa ka lang. Pwede kang magbagal ng lakad. Yung tipong life-is-too-short-to-rush ang peg. Kulang na lang mag-stop to smell the roses ka pa e. Kaso wala namang bulaklak sa concrete jungle na to. Tapos umulan pa.

Pero hinde, lakad buntis ka pa din. Ulan lang yan, hindi palaka. Nung napansin mong parang hindi na mukhang commercial ang side na yun ng Orchard, tawid ka sa kabila. Poknat, lumalakas ang ulan. So pasok ka sa Plaza Singapura para magpatila ng ulan. May napala ka naman kahit pano. May magandang arts and crafts shop sa loob so inaliw mo muna sarili mo. PaperMarket. Take note of the name. Check it out.

Ayan, napagod din ang langit sa pag-singa kaya pwede ka na lumakad pabalik. Buti na lang. Kasi gutom ka na e. Kinakain na ng small intestine ang large intestine mo sa sobrang gutom. Pero may sumitsit na eskinita sa yo. Yung sa may gilid ng Peranakan Place. Ang cute ng mga bars ha! Actually yung buong Peranakan interesting din ang bars and cafes e. Kaso tanghaling tapat so corny naman tumambay don.

Parang kainan sa QC, no?
Parang kainan sa QC, no? Bar yan. yung pula sa kaliwa, one-price store kaso sarado nung dumaan ako.

Lakad ulit. Din Tai Fung, here I come! Nasa basement 1 sya ng Paragon bldg. E di eto na: pagdating mo don, may pila. Huwaaaat?! Pero relaks, nagiisa ka lang e. Kaya in less than 5 minutes, may table ka na. That’s another advantage pag mag-isa ka.

din tai fungAng dami mong gustong orderin kasi na-inspire ka sa murang price sa menu. Kung pwede lang ipabalot mo na lang lahat e. Since hindi ka naman talaga palakain (read: poser foodie), inorder mo na lang yung pinaka-famous sa menu nila na xiao long bao (steamed pork dumplings) at noodles with spicy sauce. Ikaw ha, napapadalas ka na kumain ng spicy food!

Hindi dahil sa gutom ka, pero grabe ang saraaaaaap ng food dito. No wonder tinuring na one of the world’s top ten retaurants ito ng New York Times na may world’s greatest dumplings ng Forbes. Again, slow clap!

haji2
Makulay ang buhay sa Haji Lane.

Next stop mo is Haji Lane. Hong gondoh ng shops! Ang colorful. Ang artsy. Old world ang feel. Parang Calle Crisologo ng Vigan pero mas colorful. Ang taray. May arts and crafts shops, fashion boutiques, and cafes. Yung ibang shops don bawal kuhanan ng photos sa loob. SGD50 per click daw. E di wag! Panget!

May gustong sabihin sa yo yung hagdan...
May gustong sabihin sa yo yung hagdan…
Cute ng items, pero marami ding ganito sa Pilipinas e. Papemelroti, Evangelista...
Cute ng items, pero marami ding ganito sa Pilipinas e. Papemelroti, Evangelista…
It's not what you think. Tattoo at piercing shop yan.
It’s not what you think. Tattoo at piercing shop yan.
Isa sa mga favorite boutique stores ang Kolombiana. La lang.
Isa sa mga favorite boutique stores ang Kolombiana. La lang.

Balak mo sanang pumunta sa Thieves’ Market, kaso pagkatapos ng ilang kanto, biglang, tadaaaa! Bugis Village. Sa last day mo pa sana pupuntahan pero why not, poknat. Lezgo.

bugis

Actually, mas bigyan mo dapat ng attention ang katabi ng Bugis Village: ang Bugis Street. Dito, feeling mo nasa San Juan ka lang. Kasi para syang Greenhills pero mas malamig ang aircon. Sabi ng friend mong si Thea, mura daw ang Casio watches dito. Oo nga naman. From SGD55 to SGD85. Ang tanong: totoo ba naman yan? Baka mamaya cashew lang yan. Anyway…

bugis3

Yes, it's a store that sells sex toys. Okay?
Yes, it’s a store that sells sex toys. Okay?

O ano, malapad na naman ang talampakan mo sa kakalakad? Kung itutuwid mo ang buong distansya ng nalakad mo today, pwedeng ilaban sa Condura run sa Skyway. Winner ka. Umuwi ka na. May bukas pa. Amoy cooking oil ka na.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s