Ibahin naman natin ang ganap today. Chill ka muna sa paglakwatsa sa Singapore at dalawin mo ang school ng mga gwaping mong pamangkin. May Deepavali (Hindu festival of lights) celebration sila, so photographer ang papel mo ngayon. Go. Sayang lang at hindi mo maaabutan ang actual festivities ng Singapore dahil uuwi ka na sa Sunday. Loser.

Pero hindi mo talaga mapalampas ang araw na to na hindi ka naglalakwatsa, e, no? So hinatak mo ang sisterette para pumunta sa Alive Museum sa Suntec City. May pagka-overrated lang ang museum na ito. You think? Parang mas maganda pa yung mga 3D chalk drawings sa mga sidewalk sa London o yung mga nakikita mong 3D street artworks na shine-share sa FB.
Mataas ang standard mo, teh? Mababaw ka naman e. Sige, laro-laro lang. Ilabas mo ang acting talent mo at pagtiyagaan mo ang photography skills ng sisterette.





Sa mga pupunta pa lang dito, eto ang unsolicited advice: pumunta kayo in threes. Kase, may mga features na pang-dalawahan. Sino kukuha sa inyong dalawa? Mang-iistorbo kayo ng ibang tao? Mabuti na lang talaga nagkalat ang mga Pinoy dito sa SG at handang mag-volunteer na kunan kayo ng picture together. At saka pakibasahin ang hints/tips at instructions kung pano kukuha ng magandang anggulo. Nandun ang success ng kuha. Otherwise, isang malaking fail ang pagdalaw sa ganitong attraction. Ang mahal pa naman (SGD25 for adults).
Yun lang. Tulog muna ulit. Bukas, sipagin ka pa kayang lumabas ulit? Uuwi ka na sa gabi e.