Turistang Pinay sa Singapore, day 1

Parang Amazing Race. Alam mo yon, yung pasado alas-dose ng madaling araw ka na darating sa destination mo dahil ganun yung flight schedule mo e; kasi nga promo flight yung nakuha mo, so wag ka nang choosy. Tiis-tiis lang, di ba. E since sa bahay ng kapatid mo magse-stay, syempre di ka agad makakatulog dahil excited ang pamilya mo don na makita ka. Chika-chika muna nang konti kasi ginising mo na rin lang sila sa pagdating mo. Kahit nag-uuntugan na mga mata mo sa antok, sige lang, kwento ka tungkol sa byahe mo. So ayun, mga 2AM ka na makakatulog.

Tapos, kinabukasan bago mag-alas sais, excited na lulusob ang mga cute na cute mong pamangkin para tingnan kung sino yung dumating. Hindi mo naman pwede dedmahin kasi mga bagets pa. Otherwise, wala kang kwentang tita. Walang puso.

In other words, kelangan mo na bumangon kasi dapat daw by 7AM lumalarga na kayo for the day’s adventure. Sa Toa Payoh muna.

So ayun, maga pa mata mo, naglalakad ka na papuntang breakfast. Gustuhin mo mang tandaan kung saan ang daan, daig pa ng antok mong diwa ang mantikang tulog. Ayaw pa mag-process. Your brain cells could not be reached. Try again later.

Ano gusto mong kainin? Tanong ng kapatid na host. Yung pang-Fear Factor, sagot mo. Gusto mo ng adventure e. Hindi ka nagpunta ng Singapore para (lang) mag-shopping; nandun ka para ma-experience ang culture, which means food, people, sights and events.

So ayan, inorderan ka ng sopas na ang sahog ay iba’t-ibang klaseng laman-loob ng kung anong hayop (pasintabi sa mga animal rights activists: don’t judge me). Tapos isa pang soup na imbes na noodles e pambalot ng siomai ang ginamit. Ano’ng lasa? As expected, pang-Fear Factor nga. Parang pinaglagaan ng sapatos na brand new. Kinaya naman. Masarap yung iced chestnut tea na pinangtulak mo e. Hawker food ang tawag sa ganyang klase ng menu.

hawker breakfast4
Sari-saring innards at kung anik-anik na hindi ko kilalang ingredients.
Unang almusal sa Singapore.
Unang almusal sa Singapore.
Bago lagyan ng sabaw.
Bago lagyan ng sabaw.
Mas may appeal hung nilagyan na ng sabaw.
Mas may appeal nung nilagyan na ng sabaw.
Si uncle hawker habang hinahanda ang order namin.
Si uncle hawker habang hinahanda ang order namin.

Dumaan sandali sa malapit na tiangge para bumili ng tuwalya (SGD6.19) at saka walking shorts (SGD15 – mahal, now that you think about it. Tulog pa nga ang dugo mo, di ba?).

Lumakad pabalik para magpalit ng damit kasi may kainitan yung outfit na nasuot mo. Tapos labas ulit. Sakay ng MRT papuntang Lucky Plaza – ang teritoryo ng mga Pinoy sa Singapore. Nagpapalit ng PhP to SGD (na hindi mo man lang tiningnan kung magkano ang exchange rate. Akala mo kung sinong mayaman na walang pakialam. Mali.). Malayo ka pa, tinawag ka na agad ni Uncle Bumbay ng “ate!”. Oo, naaamoy nila kung Pinoy ka. At kung sa Pinas ay “kuya” at “ate” ang tawagan ng kahit sino, dito daw sa SG ay “uncle” at “auntie”. Parang mas sosyal yata sa kanila, no?

Tapos natuwa ka sa 3 for SGD10 na mga pasalubong: nail cutter, bottle opener, ballpen, ref magnet. Pwede, ah!

Sakay ng taxi papuntang Gardens by the Bay. For SGD5, akyat ka sa may steel semi-hanging bridge (OCBC Skyway) para sa view. Picture-picture. Tapos lipat sa kabilang side ng bay. Kuha ng mandatory picture with a spitting merlion para masabing nagpunta ka talaga sa Singapore. Meron pa nyan sa Sentosa, pero sabi mo nga, magkakamukha naman ang mga merlions na yan, so…

The OCBC Skyway connecting the Supertrees, with Marina Bay Sands as photo bomber.
Sa loob ng Gardens by the Bay: ang OCBC Skyway na nagdudugtong sa mga Supertrees, with Marina Bay Sands as photo bomber.
Ang Singapore Flyer sa kaliwa: Singapore's version of the London Eye.
Ang Singapore Flyer sa kaliwa: Singapore’s version of the London Eye.
The curving bridge above the gardens.
The curving bridge(OCBC Skyway) above the gardens, from a different perspective.
Ang obligatory shot ng merlion, at ang photo bombing Manila Bay Sands.
Ang obligatory shot ng merlion, at ang photo bombing Marina Bay Sands.

Punta sa loob ng Marina Bay Sands para mag-lunch. Sa may food court para medyo mura-mura. Umorder ng stingray and kangkong with rice for SGD18. Ang anghang, naknampoknat! Pero masarap, ah. Sige, inom ka na lang ng watermelon shake at maraming tubig. Kaya mo yan.

Now, focus on Marina Bay Sands.
Now, focus on Marina Bay Sands.
Look at all them thick chili topping! Tsssss.
Look at all them thick chili topping! Tsssss.

Tapos pasok kayo sa TWG para mamili ng tsaa. Ayaw mo sana kasi alam mong OA sa mahal, kaso mapilit ang kasama mo. Pa-birthday na daw nya sa yo (kahit kanina pa nya sinasagot ang mga gastos nyo). Tapos upo kayo para sa dessert at tea, syempre. Hindi pa nyo alam kung pano orderin yung gusto nyong dessert sampler na nasa layered silver tray. Buti na lang Pinoy yung waiter kaya naintindihan nya kung ano yung gusto nyong mangyari. Ang hirap talagang magpaka-sosyal, no?

Pagkatapos ng mahaba at sari-saring kwento over a cup of tea (feeling Brit lang), balik sa Orchard Road. Daan kayo ng Takashimaya. Bumili ng books sa Kinokuniya para sa mga bagets, then halo-halong dessert sa may basement 2 (ang saya dito, promise!). Note to self: balikan mo to bukas.

Sa may MRT common station, ikot kayo sa mga shops don hanggang makarating kayo sa H&M. Ano, sabi mo di ka magsha-shopping? E, may okay na skirts na sobrang mura! Like, SGD7 at SGD9. Ayun, konting pigil at konting pilit, biglang may bitbit ka na.

Before you know it, almost 6PM na! Aba, noh. Balak mo pa sanang mag-Night Safari kaso kalabisan na. Kailangan mong bumawi ng tulog. May tatlong araw ka pa dito. Awat na.

Cut to: eto, ginagawa mo tong blog post na to at inabot ka din ng ala-una ng madaling araw. Haaaay. See you later!

One thought on “Turistang Pinay sa Singapore, day 1

  1. hilarious! tawa ako ng tawa sa language mo 😉 nakakaaliw talaga basahin ang vivid description mo ng mga bagay-bagay at very detailed account mo ng unang araw mo sa singapore …yung photo #10 naging maNiLa bay sands yung photo bomber 🙂 …bukas ko na itutuoy ang day 2, etc. ….

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s