Commercial ng mga patay

Ano ba! Pwede namang mangampanya nang walang ginagamit na kahit sino, patay o buhay, di ba?

Kinikilabutan ako pag napapanood ko si Noynoy habang ginagamit ang pagkamatay ng Tatay at Nanay nya para lang makakuha ng simpatya sa mga botante. Alam ba nyang panggagamit ang ginagawa nya? Patahimikin na kaya nya ang mga kaluluwa ng mga magulang nya? Kung meron man syang kakayahang magpatakbo ng Pilipinas, e di sabihin nya kung paano nya gagawin dahil hindi na sya matutulungan ng Mama at Papa nya pag nakapwesto na sya.

Isa pa itong si Manny Villar. Nung una kong madinig sa radio yung tanong nya kung namatayan ka na ba ng kapatid, sumakit ang ulo ko. Tapos ngayon, puro mga bata na naman ang ginamit nya para kumanta sa commercial nya. Kung ako ang tatanungin, child exploitation yan e. Sige nga Villar, pag-aralin mo hanggang makatapos ng college lahat ng batang ginamit mo sa commercial! Game!

Ano ba ang kinalaman ng mga namatay na kamag-anak sa gustong mangyari ni Noynoy at Villar? Mabubuhay ba uli ang mga namatay pag naging presidente sila? Hindi nga!

Mabuti pa ang LBC. Bumawi sila sa huli nilang commercial na nagturo ng maling spelling. Ngayon, tinuturo nila uli ang Panatang Makabayan sa commercial nila. Aaminin ko, medyo sumasablay na ako pag nire-recite ko yun. Sinubukan kong sabayan yung commercial ng LBC, pero sumasabit ako.

Dapat may mga ganitong commercial ang mga private companies e. Lalo na yung tamang pace ng pagkanta ng Lupang Hinirang.

At dapat din tantanan na ni Noynoy at Villar ang panggagamit nila sa ibang tao, lalo na ang mga namatay nilang kamag-anak. Yung mga buhay ang atupagin ninyo!

Advertisements

3 thoughts on “Commercial ng mga patay

  1. I take it back. I just saw LBC’s edit-down version of the commercial I was talking about. TInagpi-tagpi ang Panatang Makabayan at parang ginawang panata ng LBC. ANO BA YAN!

    Like

  2. Agree! I don’t like how Noynoy is riding on his mom’s legacy. Kakainis kaya. Dapat ang ipagmalaki nya yung ginawa nya, hindi yung ginawa ng nanay nya. His mom’s not the one running, his campaign should be all about him

    Itong si Villar naman kasi napaka fishy. Kung ngayon pa lang ayaw nya na magsalita tungkol sa mga issue sa kanya, how much more kung Presidente na sya. Mas madami syang itatago.

    Like

    1. Chique babe, wala naman kasing maipagmamalaki si Noynoy. The first time that he announced he was running (and after hobnobbing with the Pink Sisters), hinanap ko talaga sa google ang background nya and came up with nothing. Kahit yung sarili nyang website wala halos mailagay kundi membership ng kung anu-anong committees sa congress and senate. Ay nakoh, ewan ko na lang sa Pilipinas pag nanalo sya!

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s