Paborito kong t-shirt

I’m sure meron ka ring ganito…t-shirt na may butas o tastas…sobrang nipis dahil madalas mong isuot…relate ako dyan. Ganyang-ganyan ang paborito kong t-shirt.

Walang anumang bago, signature o Divi bargain man, ang makakapalit sa luma at napaka-komportableng t-shirt. Yung luma ang gusto mong isuot sa pagtulog. Gusto mo ring pambahay. Kahit pag-initan ng Nanay mo na gawin nang basahan, ipaglalaban mo talaga. Marami na kayong napagdaanan ng t-shirt na yun e. Sanay ka na sa kanya. Mahal mo na sya.

Nakailang paboritong t-shirt na ako na sinamang-palad na maging basahan. Malingat lang kasi ako, hindi na ibabalik ni Nanay sa akin pagkatapos labhan. Kaya ayun, from riches to rags ang drama ng mga nakaraan kong paboritong t-shirt.

Pero napag-isip-isip ko rin kasi, kung talagang nagawa na ng t-shirt na yon ang silbi nya sa buhay mo, kailangan mo na rin syang pagpahingahin. Pero hindi porket basahan na sya ay wala na syang silbi. In fact, may bago na syang role — ang linisin ang anumang madumi sa paligid mo. At least, nandyan pa rin sya sa piling mo. Nasa ‘yo na yun kung ituturing mo talaga syang basahan — o katuwang sa paglinis ng dapat linisin.

Parang mahal mo sa buhay. Sa sobrang  tagal ng pinagsamahan  ninyo, minsan kung tratuhin mo sya  parang basahan na. Hindi mo namamalayan, ginagawa mo syang tagalinis ng anumang baho mo sa buhay. Pero  kung iisipin mo, sya  talaga  ang nakakapag-pasaya  sa yo. Sya ang gusto mong  kasama. Sya ang nakakaalam kung  ano ang gusto mo.  Sya ang habambuhay na nakasuot sa puso mo. Naks!

So bago maging basahan ang mahal mo, ngayon pa lang sabihin mo na: mahal, ikaw ang paborito kong t-shirt!

Advertisements

4 thoughts on “Paborito kong t-shirt

  1. However way you put it, nakakasama ng loob na ang minsang kasa kasama mo lagi, parang basahan na lang ituring ngayon kasi wala na shang silbi sa yo.

    O baka naman may bago ka nang t-shirt kaya ang napaglumaan na, ilaglag na.

    Ganyan talaga ang buhay. Life.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s