Para sa mga Glorietta victims

Kung bakit kahit may baon akong lunch, sumama ako sa officemates ko na kumain sa Greenbelt, hindi ko alam.

Kung bakit bago ako yayain sa Greenbelt, inisip kong pumunta sa Glorietta pero di ko ginawa, hindi ko alam.

Pagbalik namin sa office, iyun agad ang balitang natanggap namin. May bomba daw sa Glorietta. Nagbiro pa nga ako, kung anong klaseng bomba yun — yung sumasabog, o yung nakahubad? Bad joke.

Habang naglalakad kami sa Ayala papuntang client, nandun sa mga victims yung utak ko. Shit. Siguradong maraming tao nun kasi lunch break nangyari. PU@&%$NA. Bakit kailangang maraming madamay na walang malay? Yun pang mga nagtatrabaho nang matino. Yung nagpapakahirap magtrabaho, mag-overtime, mag-sakripisyo ng oras para lang kumita nang marangal. Yung nagsusumikap itaguyod ang pamilya. Yung mga nagbabayad ng buwis. Yung mga nagpapatakbo ng ekonomiya. PU@&%$INA TALAGA!

Habang tumatagal, lalo akong naiinis sa nangyari. Eto ako, linggu-linggo, nagtatrabaho kahit weekend. Minsan iniisip ko, ang sarap mag-resign dahil wala akong nakikitang kunsuwelo man lang sa trabaho ko. Napapagod lang ako. Kulang na kulang na ako sa tulog sa kakaisip sa trabaho. Tapos sasabayan ka pa ng mga personal problems mo.

Pero dahil sa nangyari, naisip ko ngayon na hindi ako dapat nagrereklamo. Kawawa naman yung mga biktima sa Glorietta. Baka yung iba dun, kakatanggap lang sa trabaho. Kakakuha lang ng una nilang sweldo. O may kausap na kliyente kahit lunch break na.

As of this writing, meron nang 10 na namatay. Over 100 wounded, and more than a dozen more missing. Pano kung kilala ko yung iba sa kanila? Minsan ko nang nakasama sa trabaho. Sa lunch break. Yung pang-sampung natagpuang patay, empleyado ng isa sa mga clients namin. I dread the thought of the others who are still missing.

Nung nabalitaan ko yun, tinext ko agad yung bestfriend ko para kamustahin sya. Galit kasi sa kin yun kaya matagal na kaming di nagkikita at nag-uusap. Pero sya agad ang una kong naisip. Mabuti na lang okay sya. Galit pa rin sa kin, pero okay.

 

Si Nanay, nag-text din pala sa kin, hindi ko kaagad napansin. Mahigit isang oras na yata ang nakalipas bago ko sya nasagot para malaman nyang okay ako. Nag-alala tuloy sya sa kin.

May dahilan ang Diyos kung bakit Nya sila kinuha ngayong malapit na ang pasko. Gusto kong isipin na sa langit sila mag-papasko. Dun nila ise-celebrate
ang birthday ni Jesus. Alam kong masakit para sa mga naiwan nilang mga
mahal sa buhay, pero may awa ang Diyos.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s