I’m feeling depressed, tired, weary, sad, stressed. The worst time of the year for me. So I tried to ask someone to give me a pep talk, but somehow I found myself doing the life-coaching for myself…
ME: Bakit ganito ang feeling ko ngayon? Ayoko na talaga. Sige nga, i-life coach mo nga ako…
HER: Ewan ko, baka kailangan mo lumabas-labas. Do something na ma-e-enjoy mo.
ME: Pano ako mag-e-enjoy kung mag-isa lang ako?
(Pregnant pause)
ME: Alam mo, minsan, pag may problema ang tao, alam naman talaga nya ang solusyon e. Kelangan lang talagang may makausap sya kahit isang tao lang…mapag-lalabasan ng hinaing, sama ng loob, o concerns…
Kasi alam naman natin ang solusyon sa problema natin e. We just want to hear it from other people. Perhaps because we’re afraid to commit mistakes…to make the wrong decision. We search for someone who share our own thoughts and opinion para kung sakaling magkamali man tayo, hindi ganun ka-bigat. Hindi natin pwedeng sisihin lang ang sarili natin kasi somebody else thinks we did the right thing regardless of whether it will work or fail. Nakahanap tayo ng karamay e.
Kaya nga madalas kinakausap ko sarili ko e. Lalo na pag wala akong makitang matinong kausap. Yung iba dyan, natutuluyan…nababaliw kasi walang makausap kundi sarili lang nila. Kaya siguro sinasabi na no one can live by his own. We all need at least one person with whom we can share our lives.
Kaya nga pag may lumapit sa yo at naglabas ng sama ng loob, wala kang dapat gawin kundi makinig lang. You don’t even have to say anything unless you are asked. Pag hiningi ang opinion mo, ibig sabihin umaasa yung tao na pareho kayo ng opinion o solusyon. Pansinin mo: pag iba kayo ng iniisip, magiging heated ang conversation. Magiging argument. Pero pag pareho kayo ng wavelength, masarap ang pakiramdam ninyong dalawa. Bonded kayo for the moment.
Teka lang, ako dapat ang nila-life coach mo, di ba? Bakit ako ang salita nang salita.
HER: Oo nga e. Pero okay lang. Nakikinig naman ako…
Kaibigan. Pagkakataon lang kaya o talagang sinadya ng Nasa Itaas na mabasa ko ito. Sobrang sangayon ako sa mga inilathala mo dito. Ako ngayon ay naginhawahan ng kaunti sa pagintindi ng iyong mga mensahe. Naisulat ko rin, kagabi lamang, sa “Multiply.com” ang aking mga hinain — kung bakit hindi ko rin maintindihan ang aking nararamdaman sa kasalukuyan. Duon, nagbigay din ng kanyang pahiwatig ang ating kaibigan na si Norman. Salamat at hindi nga pala ako nagiisa.Dalawa na tayong malungkot! Salamat din dahil ikaw ang unang nagenganyo sa akin na sumulat. Salamat sa iyong pakikinig. Ingat.
LikeLike
Hi Allan. Nagulat ako sa mga sinabi mo. Kung ano man ang nangyayari sa yo ngayon, sana hindi ganun ka-seryoso. Sana walang masasaktan, o maaapektuhan nang matindi. I wish we could talk, or I could sit down with you and listen. Kung ano man yan, I’m sure malalampasan mo yan. Malalampasan natin to. I’ll pray for you. Take care.
LikeLike