Bakit mo sya mahal?

Para ‘to sa mga tao’ng in-love pero tuliro. Lalo na yung mga bata pa. Yung akala mo dala na ang kasalanan ng buong sangkatauhan sa bigat ng problema nila sa pag-ibig. Yung mga inis sa minamahal pero di naman magawang iwanan.

Bakit mo sya mahal in the first place?

Kasi may nararamdaman ka’ng kuryente pag nasa tabi mo sya. O kahit kausap mo lang sya sa phone. O ka-text.

Noon yon. Ngayon ba, may electricity ka pang nararamdaman? Baka naman di ka nagbabayad kasi ng kuryente kaya nawala. Ang good news dyan, pag nagbayad ka, pwedeng ikabit ulit ng Meralco ang kuryente.

Ganito yan e. Give and take kasi ang relationships, di ba? Alam mo naman yun. So naggi-give ka ba? O baka naman take ka lang nang take? Selfish ka kung ganun. Oo naman, kelangan mong maramdaman sa kanya na mahal ka nya. Pero kung talagang in-love ka sa kanya, dapat mas mabigat yung desire mo to give and to love unconditionally.

Naks, sounds ideal, no? Actually, it’s that simple. Ginagawa mo lang sigurong complicated. Pero on the other hand, ganun ang tao e. Kapag sobrang simple ang isang bagay, nagdududa. Ginagawan ng issue. Pinalalaking pilit. Tapos sasabayan pa ng pride. Napano ka ba? Saan mauuwi yang lintik na pag-ibig na yan kung ganyan ka?

So bakit mo nga sya mahal? Siguro makakatulong kung iisipin mo kung paano kung wala sya. Sure, may mga friends ka na makakapag-pasaya sa yo. Pero ang friends ba, nakakapagpa-kilig? Ibang usapan na yan…

Ganito, ha. Mahalin mo sya nang buo, pati yung pangit sa kanya. Hindi lang dahil minsan pinasaya ka nya. O kinilig ka sa kanya. O sinabi nyang mahal ka nya. Mahalin mo sya dahil buo ka pag nandyan sya sa buhay mo. Kumpleto ang araw mo. Shet, sa maniwala ka o sa hindi, tama si Tom Cruise sa kakornihang linya nya sa Jerry Maguire: YOU COMPLETE ME. Ang galing nga nung writer nun e. na-capture nya yung emotion in three words.

Sa mga nakakaintindi, i’m sure ngawit na panga nyo sa kakangiti. Sa hindi makasabay, good luck na lang. Magsama-sama tayong mga sawi…

Advertisements

One thought on “Bakit mo sya mahal?

  1. hahaha… kahit kasama ako sa mga sawi i know what you mean! di ko man naranasan pang ma-inlove meron namang mga ganitong blogs na pwede ako makakuha ng ideas para naman minus katangahan pag nandun na ko sa situation. —ika nga ni pj “galing mo talga idol!” hehe…

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s