For those who love without expecting love in return…you have no idea how blessed you are for spreading your love around. On behalf of the people you love who do not know you love them, thank you. The world needs more people like you.
Himbing ng magdamag
Nagising akong may nakaukit sa dibdib
na sa araw-araw ay lumalalim
habang ang titig ko’y nakikiusap
na sana ako rin ay pansinin.
Nanghihina ako sa pag-aakalang
iisa lang ang hugis ng pagtingin
kahit papaano sana’y maibalik man lang sa akin
ang kaunting sulyap, mapangusap na ngiti.
Sumasabay sa paglubog ng araw
ang pag-asang damdamin mo’y mapadpad
sa kinaroroonan ng dalampasigan
ng pusong inaagos ng pagmamahal.
Hahayaan kong balutin ng dilim
ang damdaming sinilaw ng maghapon
sa pag-aakalang bukas, mula pagka-himbing,
gigising muling may nakaukit sa damdamin.
(to my special friend for whom I made this poem: I hope you don’t mind that I share this to those who can read my blog. Tapos na tayo sa phase 1 anyway, right? Keep on loving, my dear friend…)