She took her hat off, revealing her bare head. She gives me a genuine but nervous smile. She kept laughing most of the time during our conversation, making me feel a little uncomfortable about the whole thing.
ME: Anong pumasok sa isip mo nung malaman mong may cervical cancer ka?
HER: Natakot ako, syempre, pero natanggap ko rin agad e. Nandyan na yan, ano pa magagawa ko? Yung asawa ko ang nakakaawa dahil iyak sya nang iyak.
ME: Pano yung anak mo?
HER: Bata pa sya (about nine years old) kaya hindi nya alam kung anong ibig sabihin ng cancer nung umpisa. Nung makita nya ang nanay ko na umiiyak, sabi nya, “Lola, wag kang umiyak. Zodiac sign lang naman yun e.”
ME: Pano mo ba pinaliwanag sa kanya?
HER: Sinabi ko yung totoo kasi dapat sa akin nya madinig yon e. Basta sabi ko lang na malalang sakit ang cancer.
ME: Kamusta naman daw ang chemotherapy mo?
HER: Eto, tuloy-tuloy pa din. Hindi ako iniiwan ng asawa ko. Pag kailangan kong pumunta sa ospital para sa chemo, hindi muna sya pumapasada ng jeep nya para lang masamahan ako.
ME: Alam mo, tingin ko sa yo, kayang-kaya mo yang sakit mo.
HER: Tanggap ko na kasi kung ano man ang kahihinatnan nito e. Sabi nga ng mga kaibigan ko, bakit sa akin pa daw nangyari ang ganito e masayahin daw akong tao. Sabi ko, kaya nga sa akin binigay to ng Diyos kasi alam nyang kakayanin ko e.
ME: Talagang masayahin ka kahit noong bago ka nagkasakit? (I wanted to slap myself in the face for asking this insensitive question. I told you I was uncomfortable about this, especially when I saw a glint of tear at the corner of her eye even as she tries to hide it behind her laughter)
HER: Oo. Minsan nga tawa lang ako nang tawa, tapos pinipigilan nila ako dahil baka duguin na naman daw ako. Sabi ko, hayaan nyo nga akong tumawa dahil bukas baka di na ako makatawa.
Reblogged this on beingKirei.
LikeLike