Wag kang pumunta sa El Nido, Palawan kung…

Para sa mga bangkero na katulad ni Felix, dapat talagang bantayan at alagaan ang El Nido.
Para sa mga bangkero na katulad ni Felix, dapat talagang bantayan at alagaan ang El Nido.

…gusto mo lang mag-party nang naka-bikini. Oo, may night life din sa El Nido. Pero hindi ito kagaya ng Boracay na unti-unting binababoy ng komersyalismo at mga bisitang lumalangoy sa alak at dumi imbes na sa dating malinis na dagat. Malinis pa ang El Nido. Matiyaga pa ang mga bangkero at komunidad nito na sinisigurong wala ni isang plastic o lata na lulutang sa mga dagat at pampang nito. Kaya wag kang pasaway.

...nagbunga ang pagko-crossfit o yoga mo at handa ka nang rumampa sa buhangin. Walang panahon ang El Nido sa Century Tuna superbod mo. Dito, ang kalikasan ang bida. Ang ganda ng tanawin at busilak ng tubig-dagat ang binibigyan ng pansin. Kung talagang GGSS (gandang-ganda sa sarili) ang trip mo, magandang photo booth ang buong El Nido.

maarte ka in general. Malayo sa airport ang El Nido. Aabot ng hanggang 6 na oras kung walang wiwi break; apat kung may ambisyong maging piloto ang driver ng van na marerentahan mo. Karamihan dito ay mga simpleng hotel o inn. Pero kung mayaman ka at afford mong mag-hotel sa Lagen o Amanpulo, e di wow. Go for it.

Magandang mag-trek sa Big Lagoon.
Magandang mag-trek sa Big Lagoon.
Pwede ding mag-hike sa
Pwede ding mag-hike sa “ulo” ng Snake Island para makita ang kabuoan ng isla.
Bahagi ng Snake Island
Bahagi ng Snake Island
...yung paggising mo sa umaga, ganito ang babati sa yo ng
…yung nag-camping ka tapos paggising mo sa umaga, ganito ang babati sa yo ng “Goooood morning!!!” Ang ganda ng araw mo, pramis!

.

The cliffs of Matinloc is a favorite spot -- para sa awesome view from the top at para sa picture taking (fine, selfie, pero mag-ingat at baka mahulog ka sana)
Matinloc is a favorite spot for its cliffs — para sa awesome view from the top at para sa picture taking (fine, selfie, pero mag-ingat at baka mahulog ka sana)

..gusto mo lang mag-swimming. Ang daming pwedeng gawin sa El Nido: island hopping, camping, cave exploration, cliff climbing, diving, snorkeling, o lagoon trekking pag low tide. Kung gusto mo lang mag-swimming, sa public swimming pool ng village clubhouse nyo. Di ko na kailangang ipaliwanag kung bakit.

Oo, nagse-selfie din ako, pero kasi naman ang ganda ng background, o! Limestone cliffs ng Matinloc, mehn! At nasa taas kami! Boom!
Oo, nagse-selfie din ako, pero kasi naman ang ganda ng background, o! Limestone cliffs ng Matinloc, mehn! At nasa taas kami! Boom!

adik ka sa selfie. Hindi naman sa bawal, pero naman, ang ganda ng tanawin sa El Nido! Ito ang tipo ng lugar na dapat tinatatak sa utak. Gawin mong GoPro ang mata mo. Tapos pumikit ka sandali na parang nire-review mo kung maganda ang kuha mo. Sabay hinga ng malalim dahil sobrang sariwa pa ng hangin dito. Kung pwede lang baunin pauwi…Pero kumuha ka rin ng pictures na pang-share sa iba ang ganda ng El Nido — tulad ng blog na ganito.

Aaminin ko, nung una akong pumunta sa El Nido, nataranta ang diwa ko. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko: ang kumuha ng maraming pictures, makilangoy (salamat sa nag-imbento ng life vest), o tumunganga sa ganda ng mga pinuntahan namin. Kahit ngayon pagbalik ko, medyo ganon pa din ang effect sa akin.

Kaya nga iniisip ko, sana makabalik ako sa El Nido. Hindi pwede ang isang puntahan lang. Yung mga may balak dyan, may pakiusap ang mga taga-El Nido: sana matuto tayo sa nangyayari ngayon sa Boracay.

Btw, hindi lang El Nido ang maganda sa Palawan. Maganda ding puntahan ang Puerto Princesa at Coron. Pero ibang kwento na yon…

Advertisements

5 thoughts on “Wag kang pumunta sa El Nido, Palawan kung…

  1. Yes Carmen, hindi lang El Nido ang maganda sa Palawan, ganda rin ang Puerto Princesa. May mga kamag-anakan din ako doon sa capital city at taga-doon ang aking kambal 🙂 “Kambak Palawan” nga raw, gusto ko makabalik for the third time 🙂 Btw, si Paul Kilala nakapunta na sa Amanpulo kaya celebrity rin ang batchmate natin 🙂 …Edwin, sa party namin last Saturday, may mga bisitang mga poging Hagedorn boys from Palawan. Magbanua ka, di ba?

    Liked by 1 person

    1. Thanks, Sandra. Dalawang beses na din akong nakakapunta sa Puerta Princesa and I can’t forget the underground river experience. I also love the dolphin watching by Puerto Princesa bay. I’ve written blogs about those experiences as well. I will never get tired of going back to Palawan! I hope the LGU can really maintain its beauty while sustaining its healthy environmental state.

      Like

  2. And hope also na itigil na ng China ang kahibangan nya ngayong nagpa-patrol na ang USS Fort Worth combat navy ship sa West Philippine Sea. Adjacent to the Northwest Palawan basin ang South China Sea na pilit inaangkin ng China based sa kanilang nine-dash line. Ang hirap tanggapin ang sobrang pagka-bully ng China na eventually pati karagatan ng ating paboritong Palawan eh makasama sa mga reclaimed land nila!

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s