Estranghero

“Wag kang lilingon,” biglang sabi ng lalaking katabi ko. Natakot ako, syempre, kaya hindi nga ako lumingon. Pero tatakbo na dapat ako, kaso sinundan agad nya ng: “Pakinggan mo lang kwento ko, okay lang? Ayokong kumausap ng kakilala ko e.”

Tumango ako, hindi dahil gusto ko, kundi dahil nakaka-relate ako sa nararamdaman nya. Minsan, may ganun din akong moments — yung ayaw mong kumausap sa taong kilala mo kasi siguradong bibigyan ka nila ng unsolicited advice...kasi gusto mo lang ilabas yung nasa loob mo, e. Para lang hindi ka magmukhang tanga habang nagsasalita kang mag-isa.

Pero syempre, niyakap ko nang mahigpit ang bag ko. Baka mamaya magnanakaw pala itong mamang ito.

“Tangina, di ko na sya matiis. Gusto ko na syang balikan. Alam ko tatanggapin nya ko, kaya lang may malaki pa kong kasalanan sa kanya e. Pag inamin ko naman yun sa kanya, siguradong magagalit na naman sya. Baka hindi na nya ako ulit bigyan ng chance na makabawi pa.

Naiinis ako kasi sinaktan nya ko e. Ang masama pa nito, di ko alam kung alam nyang nasaktan ako. Kaya ayun, nagalit ako. Nasigawan ko sya. Di ko naman sya napagbuhatan ng kamay. Pero sobrang galit talaga ako nun. Nakita ko nga, natakot sya e.

Siguro nga, di na kami dapat magbalikan kasi lagi lang kaming nag-aaway. Pero pag naiisip ko yung mga panahong okay kami, alam mo yun, sobrang ramdam ko na mahal na mahal nya ko kahit hindi nya sabihin. Pero dapat mo ding madinig yun kahit minsan, di ba? Masarap kaya pakinggan…”

Gusto ko syang tingnan kasi agree ako sa huli nyang sinabi. Pero may momentum na si kuya kaya hinayaan ko na. At saka baka maiyak, curious lang ako…

“Naguguluhan na talaga ako. Gusto ko syang balikan, pero mag-aaway na naman kami pag sinabi ko sa kanya yung kasalanan ko. Gusto kong sabihin para mag-umpisa kami ulit. Lagi naman kasi akong honest sa kanya kaya nga nya ako pinagkatiwalaan sa umpisa pa lang e.” Dito, ang lalim ng buntung-hiningang pinakawalan ni kuya. Parang sumasakit ang batok ko sa kakapigil lumingon.

“Shit. Sabi ng mga kaibigan namin, pareho kaming may mali. Pero hindi na nga daw kami dapat magbalikan dahil sa love-hate relationship namin. Some friends, huh?”

Uy, maganda mag-English si kuya, ha. Tapos nun…long, awkward silence. Parang wala na syang balak magsalita. Ano gagawin ko? Pwedeng gumalaw? Cricket…cricket…

Sumandal ako. Baka sakaling makita ko ang mukha nya kahit konti lang. Nakapatong ang mga braso nya sa tuhod, nakasara ang mga kamay na parang nagdadasal, nakatingin sa mga dumadaan. Hmmm, malinis ang batok. Mukha namang disente sa pananamit. Hindi kasi maluwag at lawlaw ang salawal. Di rin naka-tuck in. Simpleng t-shirt na tama lang ang laki. Jeans. Loafers. Ano kaya kasalanan nito?

“Salamat sa pakikinig. Kung gusto mong umalis na, okay lang. Don’t worry, I’m not thinking of suicide. You just seemed nice.”

Uuuuy, may ganun. Tengks, gusto kong sabihin sa kanya. Parang feel ko syang patawanin kaya lang, ewan. Di ko maramadaman yung moment. Di na lang ako nagsalita. Pero di rin ako umalis. Para naman hindi nya isiping iniwan na naman sya. Or whatever. Dito lang ako hanggang maging comfortable kami pareho at makalimutan naming may naganap na kaunting drama.

Gumalaw! Akala ko lilingunin ako, pero hindeeeee!

“Thank you. I have to keep going. May trabaho pa ko. God bless, miss,” sabi nya, sabay alis nang wala man lang isang sulyap.

Hooooy, bumalik ka dito! I feel so used. Napangiti ako nang slight. Move on, kuya. Minsan may mga bagay lang talagang hindi para sa atin; pero hindi nangangahulugang wala itong narating. Pareho kayong may natutunan sa mga nangyari. Sana nadinig nya yon. Ang ganda pakinggan e.

 

3 thoughts on “Estranghero

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s