Conversation no. 11: to love or to let go

Di ko matiis na di sabihin sa kanya na wala syang maaasahan sa kaibigan ko. So finally nung sinabi ko, nagpasalamat sya. Ngayon, nalilito sya kung anong susunod nyang diskarte.

ME: Natatandaan mo ba nung umpisa pa lang, tinanong kita kung seryoso ka? Sabi mo noon, oo. Ngayon, ganun pa din ba ang sagot mo?

LOVER BOY: Actually, hindi naman talaga e. Pero gusto ko sya. Gugustuhin ko lang maging girlfriend ang babae kung mahal ko na sya.

ME (my thought balloon): Kinda magulo ka ha. I think nasaktan ka lang sa nalaman mo na hindi ka nya type.

ME (aloud na, to him): Alam mo, sabihin mo na kasi sa kanya ang totoo mong intention. Kung seryoso ka ha (alam ko sabi nya hindi, pero hindi ako naniniwala). Ang babae, lalo na ang conservative na tulad nya, hindi sasabihin sa yo outright na hindi ka nya type unless sabihin mo sa kanya na gusto mo syang ligawan. Kumbaga, bakit ka sasagutin kung di ka naman nagtatanong? Ayaw nya mag-assume unless sigurado syang nililigawan mo na sya.

LOVER BOY: Ayoko naman kasing sa text ko lang sasabihin yun e. Hindi maganda yun e. Ayoko sya i-pressure. Nirerespeto ko naman sya. Kaya nga gusto ko lumabas kami kahit isang beses lang muna, di ba. E kaso lagi naman may dahilan…matagal ko na actually nararamdaman na ayaw nya sa akin e. Kaya ngayon, urong-sulong ako…

ME: Naiintindihan kita. Everybody deserves a chance. Sinasabi ko naman sa kanya yun e. Naiinis na nga sa akin pag napag-uusapan namin yang bagay na yan. Ikaw…kaya mo bang mag-tiyaga? Again, tatanungin kita: seryoso ka ba talaga? Wag mo akong sagutin. Pag-isipan mong maigi. Kasi ang alam ko, ganyan ang concept ng panliligaw. Kung gusto mo talaga, maghihintay ka hanggang ready na sya.

(Tahimik si Kolokoy. Parang iiyak, buti na lang hindi. Hindi ako marunong mag-console ng lalaki. Pero ramdam na ramdam ko yung bigat ng kalooban nya. Parang mabubutas ang sahig sa kinauupuan nya sa bigat.)

LOVER BOY: Ite-text ko na lang sya. Sasabihin ko, “alam mo balak sana kitang ligawan e. Kaso nararamdaman kong ayaw mo sa akin. Nirerespeto ko yun.” Ganun na lang no?

ME: Sige, okay yon. (Pero alam ko sinasabi lang nya yun kasi hurt talaga sya. Helpless. Frustrated. And now, confused.)

Hindi ako makatiis (ulit)…

ME: Alam mo, you don’t have to say anything to her after this. Kung seryoso ka talaga, maghintay ka. Tiyaga. Pero kung half-hearted ka, itigil mo na. Let it go. Eto lang suggestion ko: give it a week. If after one week, kaya mo naman pala di sya i-text, give it another week. Pag talagang wala na, e di good for you. Otherwise, kung meron kahit konti, ituloy mo pero be patient and be ready for any possibility — good or bad.

LOVER BOY: Haaaaaayyyyy nakooooooohhh…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s