Si Katrina at ang hinaing ng pusang itim

Ayaw tantanan ng media ang iskandalong Hayden Kho sex videos. Sa katunayan, palala pa nang palala. Dumadami ang nadadamay na tao. Kaya nga sabi ko sa isang kasama sa trabaho, halong inis at awa ang nararamdaman ko kina Katrina, Maricar, at iba pang mga babae na “biktima” ni Hayden.

Inis, kasi dapat inisip na nila na sa panahon ngayon, posible ang mga ganitong tipo ng iskandalo. Ang dali nang kumuha ng video. Cellphone nga lang, kaya nang gawin yon. Siguradong may mas maliliit pang gadget na kayang gawin ang ganito. Habang nakikipagtalik sila kay Hayden, naisip ba nila na posibleng may nagtatala ng ginagawa nila? Sa isang banda, maiisip mo ba yon kung nasa rurok ka ng kamunduhan ng laman? Ah, basta.

Awa, kasi ang laking kasiraan nito sa kanilang katauhan. Hindi ko maubos maisip kung paano sila nakakatulog sa gabi… Kung ano nangyayari sa kanila pag kaharap na nila ang mga mahal nila sa buhay… Kung ano ang naririnig nila kapag lumalabas na sila ng bahay.

Kaya nga kahit papano bilib ako kay Katrina dahil nakakaharap pa sya sa kamera habang ipinaglalaban nya ang….kung ano man ang pinaglalaban nya. Hay.

Tapos eto, nabasa ko sa kolum ni Ramon Tulfo (at bakit naman ako nagbabasa ng kolum ni Tulfo?): http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/metro/view/20090525-207096/Hayden-Khos-life-in-danger

Bakit ganon? Porke mas mataas ang antas ng pinag-aralan ni Maricar, mas matindi ang galit ng mga lalaking nakausap ni Mr. Tulfo laban kay Hayden? Di ba pareho namang babae sina Katrina at Maricar na pareho din ang ginawa kasama si Hayden? Bakit ganon ang panghuhusga ng mga taong ito? Bakeeeeeet?

Si Katrina…si Maricar…at ang iba pang mga babae na kasama ni Hayden sa 40 sex video nya…lahat sila mga pusang itim. Malas! Malas! Malas!

Advertisements

2 thoughts on “Si Katrina at ang hinaing ng pusang itim

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s