Jealousy

Nagseselos ka kasi nagagampanan ng iba ang hindi mo kayang gawin. Ang daling sisihin ng ibang tao kapag may maling nangyayari sa buhay mo. Kasalanan ng lahat, except you. Yun ang problema.

Paano mo maaayos ang buhay mo kung ibang tao ang tinitingnan mo? Bakit hindi mo tingnan ang sarili mo (di ba Kuya Boy Abunda?)? Di mo ba naiisip na nasa iyo ang problema? Hindi kasi dapat nakakaapekto ang ibang tao, kahit anong gawin nila, kung maayos ang buhay mo. Kung matino kang tao. Kung tuwid kang mag-isip.

Sure, madalas na may sumisingit o umaagaw ng oras mo with your loved one. Pero at the end of each day, sino ba ang kasama nila? Di ba ikaw? Kung binibigyan mo ng quality time ang pamilya mo, kahit na sinong hudas ang pumasok sa buhay ninyo, hindi nila maaagaw sa iyo ang mga mahal mo. Ikaw ang mahal nila, e. Kasi nandyan ka palagi para sa kanila.

Isa pa, wag mo namang ipagkait na magmahal din sila ng kapwa nila. Kung saan at kanino sila masaya, wag mong tanggalin yun sa kanila. You don’t want to be the one who takes away what makes them happy. You want to be the one they want to be with even when others make them happy. Because you don’t only make them happy — you make them whole.

Ang baduy ko na so tatapusin ko na to. Utang na loob, ayusin mo buhay mo. Focus your attention on them and how you will complete them (pardon me, Jerry Maguire). Don’t use me as your scapegoat for your failure. Thank you for thinking I have that much power and control, but no, thanks. I have enough to worry about already. Rest assured that I can never, will ever, take your place.

Be the one they want to be with.

Advertisements

3 thoughts on “Jealousy

  1. It’s the second one, Rebs. Hahaha. I was actually waiting for the twerp to confront me, but it hasn’t happened yet. So, yeah, mag-ingat sya…mwah-ha-ha-ha!!!

    Ano ba? Ang bait ko kaya…

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s