At this very moment, I’m trying to convince myself that this is just a phase. Pag ganon ba, dapat dedmahin kasi “phase” lang sya?
Ilang weeks na kasi akong walang ganang mag-trabaho. Gusto kong pumasok, pero yun lang. Hindi ako happy sa output ko.
Ang dami tuloy pumapasok sa isip ko. Mag-resign kaya ako? Mag-abroad? Lumipat ng line of work? Kung pwede lang sabihing mag-asawa na lang kaya ako, inuna ko na dapat. Kaso sino naman aasawahin ko? Mag-business kaya ako?
Kaya, eto, ang pinaka-madaling explanation dito e ang sabihin kong phase lang itong nararamdaman ko. Shet. Ilang beses na ito e. Masyado na yata akong nagiging complacent. Ganito yata pag tumatanda na.
Ano ba? Pati itong blog ko, walang pinatutunguhan.
Gusto ko ng champorado!