Nakakalasing na kahapon, nakakasukang pagkakataon

Ang daming tao sa paligid, pero pakiramdam ko nag-iisa pa
rin ako kagabi.

 

Kelan nga ba ako huling nalasing nang ganito? Mahigit
dalawang dekada na yata, pero grabe, kaya ko pa pala makipag-sabayan. Yun nga
lang, pagkatapos ng mga benteng shots ng tequila at isang pagka-tapang-tapang
na kape, sumuko na ang sikmura ko.

 

Tinanong ako ni PJ kung alam ko na nakikipagtalo ako kay
Jojo kagabi. Oo naman, sabi ko. Ang lakas ng utak, kahinaan ng katawan. Pero
totoo yung mga sinabi ko kagabi.

 

Hindi kailangang
sabihin lahat ng sikreto sa kaibigan, asawa, boyfriend, o girlfriend. Kapag
nagtanong sya at hindi nya makaya yung totoo, hindi na sya dapat nagtanong. At
saka bakit ba kailangan pang malaman yung tapos na?

Para
makilala mo nang husto yung tao? Hindi ba kailangang makilala sya kung paano mo
sya nakikita at naririnig ngayon? Paano kung iba na sya ngayon sa kahapon?
Maniniwala ka ba?

 

Hindi nyo lang alam, mas malungkot minsan yung ang dami mong
kasama pero ni isa sa kanila hindi mo alam kung maituturing mo talagang tunay
na kaibigan. Kung hanggang saan ka nila sasamahan. Habang nagtatawanan tayo
kagabi, madaming beses akong natutulala. Hindi ko alam kung kanino ako
makikinig. Kung kaninong camera titingin para ngumiti.

 

Tama ba tong ginagawa ko? Masaya ba talaga ako? Si Mel,
panay ang bati sa akin at tanong kung okay lang ako. Inaantok ako, palusot ko.
Totoo naman, pero kalahati lang ng tunay na dahilan. Salamat sa pag-aalala,
Mel.

 

Anj, salamat din sa pagdamay sa pagsusuka ko kahit alam kong hilo ka na rin.
Hahahaha. Sana hindi ka nandiri. Sorry hindi kita nahatid sa inyo. Tsk tsk. Wala, mahirap na
talaga makatagpo ng gentleman sa panahon na to. Tayo-tayo na lang mga babae ang
magdamayan!

 

 

Chela, sobrang na-touch ako sa yo. Alam ko inalalayan mo ko
kagabi. At saka kahit pwede naman kayo umuwi ni PJ, talagang sinamahan nyo pa
kami ni Mel matulog sa office. Balita ko nga, tatangayin nyo daw kami dapat kina Malen. Sayang, dun sana ako nagkalat sa magara nyang condo. Nakakainis kayo, bakit ganyan kayo kabait?
Naiiyak tuloy ako.

 

O, Pong, ayan ha, na-drive mo na si Gigi ko (pangalan ng car
ko). Kahit nakainom ka rin, di na ko nakatanggi kasi sobrang wasted na ako.
Salamat sa pagda-drive sa amin. At sa matapang na kape. Buti pa kayo ni PJ,
gentlemen.

 

Sa dalawang director nating si Jojo at Yvonne, nag-alala
kayo sa amin ano? Salamat sa concern. At sa pagsilip sa amin sa office.

 

Sa lahat ng officemates ko, lalo na yung mga gumastos, salamat
sa good time. Pasensya na kung senti ako ngayon. Pagod lang ako sa trabaho, kaya
rin ginusto ko maglasing. Hindi na ako nakapag-hintay ng outing. Sa outing,
videographer at photographer na lang ako.

 

Ayoko na malasing ulit. Matapos yung nangyari kagabi,
naalala ko na kung bakit hindi ako dapat malasing. Maraming dahilan. Hindi nyo
na kailangang malaman. Kilalanin nyo na lang ako kung sino ako ngayon. Sana matanggap nyo.

 

 

Grabe, ang drama no? Nakakasuka…

Advertisements

4 thoughts on “Nakakalasing na kahapon, nakakasukang pagkakataon

  1. mommy carms… talagang patas na ngayon ang babae at lalake. bahala na daw tayo sa buhay natin bahala na din sila sa buhay nila! pero, yup, i give props to papa pong and papa pj talaga! ever gentleman yung dalawang yun. kaya cras na cras ko yang si papa pj eh! mabango na gentleman pa! PANALO pa mga nangungusap na mga MATA! =D

    walang problema yung nasuka kayo. normal lang naman sa tao yun. 😉 lav yah!!! mwah!!!

    Like

  2. Ah, Anj, there’s more to PJ than meets the eye. Anim na taon ko nang “Buboy” yan. Baka ma-in-love ka sa kanya pag nakilala mo sya nang husto 😉 (Hoy, PJ, nababasa mo ba to? Hehehe)

    Lalaki at babae, pantay-pantay? I highly doubt it. Kahit na may mga babae na mas nakakahigit sa ibang lalake, those guys will never admit it. Besides, I prefer to be considered the “weaker” sex because of the privileges that go with it. They can’t take that away from us, hah! 😛

    Like

  3. Hello ulit! Bakit ka naman naglasing Carmie? Well sometimes i feel the same way, ung mafeel mo ung need to loosen up ng konti and just be yourself. To be with friends who knows and understand you at minsan kailangan ng espiritu ng alak para maachieve mo ung ganung feeling. Dapat talaga sa mga trusted friend lang ikaw nakikipag-inuman to the point na malalasing ka kasi minsan kahit ung di dapat sabihin, nasasabi pa rin (ganun kasi ako). Feeling ko sobrang prim and proper ako, or msyadong guarded ang thoughts and words ko. Hindi naman masama un di ba? Sabi nga nila you can kill by your your words, ganun sya ka powerful and you can use words to uplift others. Sayang noh, ngaun ko lang nabasa ang lahat ng ito. Sana makapag-inuman din tayo, ngaun ko talaga nafeel na namimiss ko na ung samahan natin sa BSMG. Enough of the senti, mahaba pa naman ang buhay natin with God’s will, magkakasama pa ulit tayo.
    Pwede ba mgcomment, si PJ genteleman…?Hehehe, oo naman, sa opinion ko nasa babae naman kung hahayaan nyang mabastos sya ng guy di ba? Ganun tayo kalakas kesa sa mga guys, though ayaw nila i-admit. Pero tama ka Carmie, may advantage din ung akala ng mga guys mas malakas sila, coz we enjoy some privileges that goes with it.
    Miss you guys! God bless.

    Like

  4. Sayang nga, di tayo nakagimik man lang bago ka umalis.Sarap mo sigurong lasingin dahil sabi mo, nakakapagsabi ka ng di dapat sabihin. Hmmm, anokaya yun? Hehehe..You know, I don’t drink habitually naman. I really choose who I am with whenever I decide to get drunk. It’s just that this last one really made me feel miserable and lonely. Dala lang talaga ng pagod sa work ito, plus I was having a bit of a relationship problem at that time. Now I’m doing better 😉

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s