Conversation no. 1: Mahaba ang hair

OVER THE PHONE WITH A GOOD FRIEND WORKING IN A LARGE FILIPINO COMPANY

ME: Kamusta na yung kaaway mo dyan? Nag-react na ba?

FRIEND: Hay naku, hindi noh! Dedmahan kami.

ME: Ha? E yung boss nyo, anong sabi sa email na pinadala mo?

FRIEND: Wala ring reaction.

ME: So hindi kayo nag-uusap ng Sup mo?

FRIEND: Nag-uusap naman syempre, pero di namin pinag-uusapan yon.

ME: Well, at least wala ng pulitika involved.

FRIEND: Ano’ng wala? Hay naku, bahala sila. Basta hindi ako aatras sa labanan.

ME: Ikaw naman kasi, ang haba-haba ng hair mo. Natatapakan tuloy.

FRIEND: True ka dyan. Hirap na hirap na nga ako e. Agaw-pansin kasi.

ME: Ganyan talaga ang mahabang hair. Mahirap i-maintain. Kailangan i-groom araw-araw. Pero sige lang, i-flaunt mo yang hair mo. Inggit lang silang mga kulot sila!

FRIEND: Basta mas maganda ako sa kanila. Wala silang ganito kahabang hair.

ME: Korek! Wag kang magpapagupit, dahil baka sasabihin nila talo ka.

FRIEND: Mabuhay ang mahahaba ang hair! Mabuhay ang mga palaban!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s