Bagong kamusmusan

Nung bata pa ako, ang lansangan ang aking paraiso. Sa kalye ako nadapa, nasugatan at nagka-peklat na hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa unat ko nang balat. Sa kalye ako natutong makihalubilo sa kapwa, makipag-away, makipag-bati, tumawa at umiyak. Nalilipasan ako ng uhaw at gutom sa kalalaro ng piko, patintero, tumbang preso, luksong tinik,…