Araw ni Nanay

Hindi kami magkasama ni Nanay nitong huling Mother’s Day. Nasa Boracay sya, ako nasa Zambales. So nag-“usap” na lang kami sa text:

ME: Happy mother’s day!

NANAY: Tnx dto kmi beach ligo

ME: Ako din. Dito naman sa Zambales. Mamaya ang uwi ko.

NANAY: Mya punta p me falls

ME: Ikaw na.

NANAY: Ay inggit kain muna tyo

ME: Mamaya pa kami e. Una ka na.

Ganyan kami mag-usap ni Nanay. Casual. At oo, text lingo ang gamit nya. Minsan, hindi ko maintindihan ang text nya.

At 71, cool si Nanay. Ilang brands at models na ng cellphone ang nagamit nya, at lahat kaya nyang pag-aralang gamitin. Yung isang local brand na may TV (mother’s day gift ko sa kanya last year) ang hindi nya natagalan kasi dual SIM. Kahit naman ako, nalilito din dun. Pero sa ibang gadgets, hindi takot si Nanay sumubok. Nakikipaglaro pa sya sa mga apo nya ng digital games. Adik sya sa Tetris.

Hindi man lang naabot ni Nanay ang high school, pero hindi sya nagpapaiwan sa English-san. Nakapag-travel sya sa UK mag-isa, at nakarating naman sya pupuntuhan gamit ang kanyang broken English. Sabi nya, natututo daw kasi sya sa mga pinapanood naming English films.

Lately, adik si Nanay sa scrabble. Kalaro nya mga apo nya. Matatawa ka sa kanila pag naglalaro. Minsan madidinig mo na lang ang pagtatalo nila tungkol sa isang salita na alam mong imbento lang nila. Makatira lang.

Mula nang mamatay si Tatay, lalo kaming naging close ni Nanay. Unti-unti nyang kinukwento sa akin kung pano naging sila ni Tatay…kung pano nila natakasan ang mga Hapon, tumatawid sa ilog habang nakasampa sa balikat ni lola…kung pano muntik nang hindi ako nabuo dahil hindi si Tatay ang gusto nyang pakasalan…at marami pang iba na sa amin na lang.

Nakikita ko ang kasalukuyang paghihirap ni Nanay. Hindi ko man alam kung ano talaga ang nararamdaman nya, pero alam kong nasasaktan sya. Nag-aalala. Ang sigurado ako, lumalaban sya. Hindi lang sa sakit sa katawan, kundi sa sama ng loob na dinadala nya.

Sa kanya ako humuhugot ng lakas. Sa kanya ako natuto ng lakas ng loob. Ng tiyaga. Ng pasensya. Madalas din kami mag-away, pero hindi ito nagtatagal. Alam ko pag sobrang nagtatampo sya sa akin. Hindi namin pinaguusapan, basta nagiging okay na lang kami. Hindi kasi kami expressive sa isa’t-isa. Basta cool lang. Pero alam naming mahal na mahal namin ang isa’t-isa. Halata naman e.

Sa lahat ng ina, naging ina, magiging ina…maligayang araw po sa inyo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s