Conversation no. 10: Emotional demolition

Nakakaawa. Sa likod ng usual nyang ngiti, ramdam ko ang takot nya sa future ng pamilya nya.

HIM: Mawawalan na kami ng bahay…
ME: Ha? Bakit?
HIM: Ide-demolish daw yung mga bahay sa lugar namin. Tatayuan daw ng bagong tulay.
ME: E, saan kayo lilipat?
HIM: Di ko nga alam e. Hindi naman talaga kami dapat kasama sa gigibain, pero nag-reklamo yung mga kasali sa demolition. Sabi, bakit daw kami, hindi kasama, e nasa ilalim din naman daw kami ng lumang tulay nakatira.
ME: Pinoy talaga, pati sa ganyang bagay, pinaiiral ang pagka-talangka. So, paano na kayo ngayon? Ano’ng plano mo?
HIM: Magli-leave siguro ako ng isang linggo. Iisa-isahin kong kalasin yung bahay para itayo uli sa isang lugar dun sa malapit sa min. Bahala na.
(AT THIS POINT, I WAS ALREADY CURSING UNDER MY BREATH BECAUSE I AM HELPLESS)
ME: Alam ba yan ng mayor nyo?
HIM: Kasama nga sya sa nagbigay ng pera para dun sa mga ide-demolish e. May P3, P5k, P15k. Kami wala, kasi hindi naman daw talaga kami sakop ng demolition project. Pero damay pa rin kami e.
ME: Ano? Ano’ng klaseng katarantaduhan yan? Tangina, saan makakarating ang tatlong libo, o kahit yung 15,000? Mga sira-ulo ba sila? Tapos kayo, bahala kayo sa buhay nyo? Ganun? Mga tao ba yang mga yan?
HIM: Oo nga e. Hati-hati na nga sila sa bayad na yun e — mayor, contractor, saka yung may-ari yata ng tulay. Ewan ko. Wala naman akong lakas para lumaban. Hindi naman talaga sa min din yung lupa.
ME: Kahit na! Dapat may in-offer man lang yung mayor nyo na malilipatan.
(I LOOKED AT HIM AND SAW THAT HE ALREADY GAVE UP THE FIGHT. I BEGAN TO THINK THAT MY ANGER MIGHT BE AGGRAVATING HIS MISERY, SO I STOPPED ASKING QUESTIONS AND MAKING COMMENTS.)
HIM: O, magkape na lang tayo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s