Saranggola sa makulimlim na umaga

Kanina, habang nagmamaneho ako sa may Niog, nakakita ako ng magarang saranggola na lumilipad. Ang ganda, ang laki, ang yabang nya. Una inisip ko, mabuti pa yung saranggola, may kalayaang makalipad saka malayo sa kaguluhang nangyayari sa lupa.

Pero naalala kong nakatali nga pala ang saranggola. May humahawak, may  pumipigil para hindi makahulagpos. Hindi pala sya talagang malaya. Pero kahit papano, nakakalipad sya at kahit sandali ay nakakaranas ng hiram na kalayaan.

Makulimlim ang Sabadong ito. Mas masaya sana kung asul ang langit para kitang-kita ang paglipad ng puting saranggola. Grabe, hindi talaga pwedeng maging perpekto ang lahat. Kailangan may sasalungat, may pipigil ng lubos na kaligayahan.

Hindi ko masisisi yung iba kung maging manhid na sila sa mga nangyayari sa buhay nila. Mahirap naman talagang lumaban nang lumaban kahit hindi mo alam kung may kahihinatnan. Kung dapat bang ipaglaban. Kung nararamdaman ba ng pinaglalaban mo ang paghihirap mo. Kung alam ba nilang dahil sa nangyayari, ikaw na rin ang nawawalan ng pag-asa. Kung bakit pilit mong binubuhay ang unti-unti mong natutuyong damdamin.

Minsan kahit na pilitin mong uminit ang damdamin
‘Di siya susunod at ‘di maglalambing

Minsan ‘di mo na mapigil mapansin
Na talagang wala nang naiiwan na pagmamahal

At kahit na anong gawin
‘Di mo na mapilit at madaya
Aminin sa sarili mo
Na wala ka nang mabubuga

Parang ‘sang kandila na nagdadala ng ilaw at liwanag
Nauubos rin sa magdamag

‘Di na madaig o mabalik ang dating matamis na kahapon
Pilit ma’y tuyo na’ng damdamin…

— lyrics from “Tuyo nang damdamin” by Apo Hiking Society

Advertisements

One thought on “Saranggola sa makulimlim na umaga

  1. You know, that kite need not stay bound to whoever is holding it. If the wind blows hard enough, the string that’s holding it might break and then it’ll be free…but don’t think its ever been done that whoever is holding a kite ever let go, got it?

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s