My love, keep the change

Sige. Sakay tayo. Parang lahat ng taong nasa paligid ko, in love. Buti pa kayo.

Pero teka, in a sense, in love din naman ako. Not romantically, but in love just the same…with the idea of possibly falling in love again…with the knowledge of being loved…with the thought that I can love unconditionally…but this isn’t about me.

Friend, kamag-anak ito ng blog mo e. Pwede ko namang ilagay ito as comment sa blog mo, pero mukhang mahabang diskusyon ito kaya dito ko na lang ilalagay. Baka kasi may makadampot din ng idea from my other friends 😉

Kanina, sabi ko sa yo, kaya mong dalhin yang pagmamahal mong “keep the change”. Kahit alam mong di ka susuklian, sige ka lang. Alam kong nasasaktan ka na sa ginagawa mo pero gusto mo e. May pagka-masokista ka rin. Bilib ako sa yo. Ang galing mong mag-dala ng pain. Ayan, may kanta na namang pumasok sa isip ko (“so let the pain remain forever in my heart…for every throb it brings is one more moment spent with you…i’ll let the pain bring on the rain if that’s the only way…if there’s no other way to be with you again…”).

Pero alam mo rin naman na you shouldn’t nurse that pain, di ba? Sige ka, baka maging gangrene yan. Ewwww! For now, if looking at him gives you joy, go ahead. If daydreaming about having a relationship with him makes your heart sing, dream on. Any positive thought is good for the brain cells, anyway.

Alam ko namang hindi mo pinababayaang tumigil ang mundo mo dyan e. I can see your effort to appreciate other people around you.

Ang importante, marunong kang magmahal dahil praktisado na yang puso mo. Grabe, swerte ang magiging boyfriend mo. If you have that capacity to give love unconditionally, imagine what you can give to him who offers to love you in return.

Basta someday, my sweet friend, true love will find you because you have opened your heart to it.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s