Pagbabalik

Ang salik

sa pananahimik

ng plumang panitik

ay ang masang

walang imik

sa mga lintik,

nalintik, lumintik.

kailan madirinig

ang mga paggibik?

di kaya maulit

ang pangyayaring

si Hudas ay humalik,

nag-alay ng

koronang tinik?

huwag sanang mauwi

sa paghihimagsik

kung di man mahugasan

ang dungis na putik.

sa isip, tayo’y hitik

sa gawa, tayo’y ma-gimik

tigilan ang paniniktik

kalayaan ng makata

sana’y bumalik

10/12/86

Leave a comment