“Wag kang lilingon,”
biglang sabi ng lalaking katabi ko. Natakot ako, syempre, kaya hindi nga ako lumingon. Pero tatakbo na dapat ako, kaso sinundan agad nya ng:
“Pakinggan mo lang kwento ko, okay lang? Ayokong kumausap ng kakilala ko e.”
Tumango ako, hindi dahil gusto ko, kundi dahil nakaka-relate ako sa nararamdaman nya. Minsan, may ganun din akong moments — yung ayaw mong kumausap sa taong kilala mo kasi siguradong bibigyan ka nila ng unsolicited advice...kasi gusto mo lang ilabas yung nasa loob mo, e. Para lang hindi ka magmukhang tanga habang nagsasalita kang mag-isa.
Pero syempre, niyakap ko nang mahigpit ang bag ko. Baka mamaya magnanakaw pala itong mamang ito.
“Tangina, di ko na sya matiis. Gusto ko na syang balikan. Alam ko tatanggapin nya ko, kaya lang may malaki pa kong kasalanan sa kanya e. Pag inamin ko naman yun sa kanya, siguradong magagalit na naman…
View original post 469 more words